^

Police Metro

Total ban sa Kuwait deployment ipinatupad

Ludy Bermudo - Pang-masa
Total ban sa Kuwait deployment ipinatupad

Sa inisyung Admi­nistrative Order ni Labor Secretary Silvestre Bello III, iniutos nito ang pagpapatupad ng total ban sa deployment ng Pinoy workers sa bansang Kuwait. File

MANILA, Philippines — Ipinatupad na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang banta laban sa Kuwait na hindi na magpapadala ng mga manggagawang Pinoy sa kanilang bansa bunsod ng mga napaulat na pagmamalupit na ikinasawi ng  ilang Pinoy doon sa kamay ng kanilang amo.

Sa inisyung Admi­nistrative Order ni Labor Secretary Silvestre Bello III, iniutos nito ang pagpapatupad ng total ban sa deployment ng Pinoy workers sa bansang Kuwait.

Anumang araw mula ngayon ay tutungo na sa Kuwait ang binuong Task Force  Dimapilis na magsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa pagkamatay  ni Joana Dimapilis, ang domestic helper na natagpuang patay sa loob ng freezer na noong isang taon pa hindi nakikita at naba­balitaan ng mga kaanak at kaibigan.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Bello,  makiki­pag-ugnayan ang Task Force sa Kuwaiti Police upang matukoy kung may ginawang imbestigasyon sa kaso.

Kakausapin din aniya ng Task Force ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) kung bakit isang taon pa ang nakalipas bago natuklasan ang pagkamatay ni Joana.

Tiniyak ng kalihim na may mananagot sa sandaling matukoy  na may pagkukulang sa hanay ng mga opisyal ng Pilipinas sa Kuwait.

Titingnan din aniya ng team ang posibleng pananagutan ng Kuwaiti police sa naturang insidente.

OFW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with