^

Metro

Mekaniko hindi na binayaran, dinedo pa

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na binayaran pinagbabaril pa hanggang sa ma­pa­tay ang isang jeepney driver/mechanic ng isang reservist ng  Armed Forces of the Philippines (AFP)  makaraang magalit ang huli sa ginawang paniningil ng una, kamakalawa  sa Makati City.

Kinilala ang nasawing bik­tima na si Ernesto Namo, alyas Erning, ng Brgy. Niogan, Ca­buyao, Laguna, nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Nakakulong naman nga­yon sa Makati City Police ang suspect na si Allan Albano, 48, nakatira sa Block 6, Lot 14, Tawid Sapa II, Mirandaville, Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Que­zon City, isang reservist sa AFP.

Sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD) naganap ang insidente alas-2:28 ng madaling araw sa pa­nulukan ng Urban at Wa­shington Sts., Brgy. Pio Del Pilar, Makati City.

Nabatid na nagpagawa umano ang suspect ng sasakyan sa biktima at sinisingil ito ni Namo sa serbisyo.

Gayunman, imbes na mag­ba­yad ay nagalit pa si Albano kung saan nagkaroon ng ma­initang pagtatalo hanggang sa bumunot ng baril ang suspect at ilang ulit na pinutukan ang biktima, na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Sa isang follow-up ope­ra­­tion ng mga kagawad ng Ma­kati City Police, nadakip nila ang suspect alas-7:30 ng gabi sa panulukan naman ng Dela Rosa at Washington Sts., ng nabanggit na barangay.

Ayon sa pulisya inamin aniya ng suspect sa mga pulis na siya ang bumaril sa biktimang si Namo.

Inamin din nito, na itinago niya ang baril na ginamit sa kanyang kapatid sa Cabuyao, Laguna na narekober na rin ng mga awtoridad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with