^

Pang Movies

Coleen umaming naging sunud-sunuran sa ex bago napunta kay Billy

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Coleen umaming naging sunud-sunuran sa ex bago napunta kay Billy

Coleen

Sino kaya, Salve A., ang ex-boyfriend na tinutukoy ni Coleen Garcia na sobrang pinakikialaman ang lahat ng kanyang ginagawa, mapa-personal man o whatever.

At ewan din daw niya kung bakit naging sunud-sunuran siya sa lalaki. Well, kung sabagay daw, bata pa siya noon.

Ngayon ay masaya na si Coleen sa tamang guy. Ito rin daw ang sagot sa kanyang mga dasal, dugtong pa niya. No need to tell you that the guy’s name is Billy Crawford na kanyang pakakasalan this summer.

Samantala, sobrang excited na si Coleen sa kanyang soon-to-be released movie na Sin Island, ang kanyang last film bago siya ikasal. Pero ‘di raw ito nangangahulugan na tatalikuran na niya completely ang kanyang showbiz career, kapag naging Mrs. Billy Cawford siya.

Wala raw restriction na itinakda para sa kanya si Billy, yes, bilang kanyang misis and whatever.

Sin Island, of course, co-stars her with Xian Lim and Nathalie Hart. Valentine offering ito ng Star Cinema.

On Monday, a day before the official exhibition of Sin Island, magkakaroon daw ng special showing ang pelikula. Iimbitahan din daw niya si Billy na sumama.

Hindi ba, accordingly to Xian, marami silang steamy scenes na dalawa, pati na si Nathalie, sa pelikula.

Nakangiting sagot ni Coleen: “That’s exactly the reason why I want Billy to watch the movie with me.

“I want myself na Makita ang reception niya sa movie.”

Well.

Hala, Barbie hinahasa na para pumalit sa pagiging Primetime Queen ni Marian?!

True rin nga kaya, Salve A., na ngayon pa lang ay inihahanda na ng GMA 7 ang 20 years old na si Barbie Forteza, para maging kanilang next Primetime Queen?

Of course, the ‘throne’ is currently ‘occupied’ by Marian Rivera, na ngayon ay nasa kanyang 30’s at married na sa kapwa Kapuso na si Dingdong Dantes, mom din siya sa two-year-old na si Zia.

Well, watch natin.

Lovi in demand sa pagbibida

Isa sa most in demand for work si Lovi Poe among her contemporaries.

Kasalukuyan siyang gumaganap bilang lead actress bukod kina Rhian Ramos at Max Collins, sa ongoing series na The One That Got Away, na tinatampukan din ni Dennis Trillo.

Nakipagtagisan din siya ng akting kina Erich Gonzales at Tom Rodriguez sa Cineko Films na The Significant Other.

Lovi feels glad that when in one scene na supposedly nagsasabunutan sila ni Erich sa The Significant Other, nasabit ang isa sa mga daliri ni Erich sa kanyang hikaw at nasugatan ito, ang naging sagot daw ni Erich when Lovi apologized to her, “its work. Don’t worry.”

Ito ang unang beses na makakatrabaho nina Lovi at Erich si Joel Lamangan bilang director.

They belong to different networks. Habang identified si Lovi bilang Kapuso, isang solid Kapamilya naman si Erich.

Erich na-challenge sa tatlu-tatlong papa

Of Erich, she doesn’t feel burdened by the fact that she plays three different roles sa kanyang series na The Blood Sisters, na magsisimula nang umere sa ABS-CBN sa Lunes. Ito ang pumalit sa katatapos na high-rating series na Wildflower, na tinatampukan naman ni Maja Salvador.

Challenged, though, she is, pag-amin ni Erich, considering nga raw na tatlo ang kanyang leading men sa serye and these are Enchong Dee, Ejay Falcon, at AJ Muhlach, a new Kapamilya talent.

In the cast, too, are several of the most revered performers in the industry, Dina Bonnevie, Jestoni Alarcon, and Cherry Pie Picache, among others.

Directed by Jojo Sagun and produced by Dreamscape Television Entertainment, headed by Deo Endrinal.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with