PUV modernization tuloy
MANILA, Philippines — Desidido si Pangulong Duterte na isulong ang PUV modernization sa susunod na taon sa kabila ng banta ng mga transport group na magsagawa ng welga upang tutulan ito.
Nagbanta si Pangulong Duterte na ang mga sasakyang hindi susunod sa PUV modernization ay ipapahila niya.
“I don’t care if we go into a turmoil. That is what I like, I thrive best under turmoil,” wika pa ni Pangulong Duterte kahapon sa kanyang mensahe sa conferment ng mga child-friendly Municipalities and Cities sa Malacañang.
Aniya, nakahanda ang gobyerno sa anumang plano ng transport groups tulad ng PISTON para tutulan ang transport modernization program.
“I’m preparing the Armed Forces to buy rubber bullets, truncheons; I don’t care if we go into a turmoil. I like that. I thrive in turmoil,” dagdag pa ng Pangulo.
“Itong PISTON hindi raw sila susunod, I am preparing AFP at pulis, tingnan natin,” giit pa ng Pangulo.
Magugunita na inanunsiyo na mismo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipapatupad na nila ang transportation modernization program simula sa Enero 2018 kung saan ay hindi na papayagang bumiyahe ang mga lumang jeepney.
- Latest