Pinapahanap na ni Digong... Government official inaarbor ang naarestong anak ng drug queen
MANILA, Philippines — Pinapahanap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang government official na umano ay umaarbor sa nahuli ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na si Diane Yu Uy.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa media briefing sa Malacañang dahil ayaw na ayaw ni Pangulong Duterte ang mga ganitong hakbang lalo’t simula pa lamang ng Duterte administration ay inihayag na wawakasan niya ang problema sa illegal drugs at corruption sa pamahalaan.
Nabatid na ibinunyag mismo ni PDEA director-general Aaron Aquino na isang mataas na opisyal ng gobyerno ang nagtangkang umarbor kay Uy matapos nila itong maaresto sa Unit 3D sa Jy J condominium sa 867 Gen. Solano St., San Miguel, Manila na ilang metro ang layo sa Malacañang Palace at nakumpiska ang nasa P10 milyon halaga ng shabu.
Si Uy ay anak ng convicted drug queen na nakakulong sa Correctional for Women na si Yu Yuk Lai.
Samantala, idinagdag din ni Roque na malabong mabigyan ng presidential pardon ni Pangulong Duterte si Lai ngayong darating na Kapaskuhan dahil galit na galit ang Pangulo sa shabu.
Si Lai ay nahulihan kamakailan ng mga illegal drugs sa loob nang salakayin ng PDEA at aabot sa P15 milyong halaga ng shabu ang nasamsam dito na nakalagay sa banga at nakalagay naman sa panty liners.
- Latest