Sexting
Ang pag-send ng sexy na picture ng sarili sa pamamagitan ng text message ay popular na ngayon. Sa pag-aaral sa United Kingdom noong 2013 nalaman na 50% ng kabataan na may edad 18 years old ay nakakatanggap na ng hubad na picture.
Napag-alaman na marami sa young people na kinokonsidera na ang sexting ay isa nang entertainment. Sinabi rin ng isang criminal laywer na kahit sa kabataan na mas batang edad na panay ang selfie at pino-post ang sexy pictures para pang-attract sa social media na hindi alam ang posibleng kapahamakan ang mangyayari. Hindi lang ito usapin patungkol sa mga menor de edad na hindi dapat ipagwalang bahala.
Popular sa ibang teenager ang sexting at pag-screen shot ng kanilang nude photos na isini-share sa ibang kausap. Ang masaklap na inaakala na madali lang ma-delete ang pictures sa online, na mali dahil hindi na mabilang ang naging biktima ng pag-share ng kanilang hubad na larawan sa pamamagitan ng smartphones.
Nagbibigay ng warning ang FBI sa pagklik ng Snapchat na nagagamit sa pedophiles para akitin ang mga batang biktima. Dahil ang Snapchat ay puwede sa video chatting. Ang mga masasamang loob ay ginagamit ang social media para i-trap ang suspetsang biktima. Bantayan at balaan ang anak nang hindi mapahamak.
- Latest