Epektibong transport system sa bansa, giit ng LCSP
MANILA, Philippines — Hinikayat ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang pamahalaan na pabilisin ang pagpapabuti ng sistema ng transportasyon sa bansa.
Ito ayon kay Atty Ariel Inton, founding president ng LCSP, ay upang higit na makatulong ang sektor ng transportasyon sa higit na pag-angat ng turismo sa bansa at pag-angat ng ekonomiya ng bansa para sa kapakanan ng mas nakararaming mamamayan.
“Napakalaki ng magagawa ng sektor ng transportasyon sa pag-angat pa ng Turismo ng ating bansa. Maraming mga nakatagong magagandang mga destinasyon sa Pilipinas na maaari lamang mapuntahan ng mga turista kung maayos at convenient ang transportasyon.” pahayag ni Inton.
Anya kung may mas mabisang serbisyo ang pamahalaan sa sektor ng transportasyon ay higit na mas marami ang dadayo sa Pilipinas na may malaking ambag sa paglago ng ekonomiya ng ating bansa.
- Latest