^

PSN Palaro

Brazilian fighter may kaba sa Pinoy challenger

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ayaw maliitin ng kampeon na si Adriano “Mikinho” Moraes ng Brazil ang Filipino challenger na si Danny “The King” Kingad sa kanilang laban sa ‘One: Legends of the World ngayong Nobyembre 10 sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

 Itataya ng 29-anyos na si Moraes ang One Flyweight World Championship crown na kanyang inagaw mula kay archrival Kairat Akhmetov noong Agosto.

Ito pa lang una niyang depensa sa titulo at alam ng Brazilian na malakas din ang kalibre ni Kingad na isa ring legitimate contender sa naturang division.

“Danny Kingad is a great competitor and he has earned the highest level of my respect. If anything, there is no chance of me underestimating him. That would be unwise,” sabi ni Moraes.

Si Kingad ay mula sa kabundukan ng Benguet kaya matibay at malakas na kalaban din  ito dahil sa ngayon, hawak nito ang malinis na 5-0 win-loss record. Dahil sa kanyang well-rounded grappling skills, nabigyan si Kingad ng tsansa na maisama sa undercard ng “One: Global Rivals in Manila”  noong 2016.

Sa kanyang unang ONE Championship na laban, nanalo siya ng first-round technical knockout laban sa Malaysian na si Muhamad Haidar at sinundan pa ng isang impresibong panalo kontra kay Eugene Toquero noong Disyembre,  2016.  Ang iba pa niyang panalo ay laban kay Muhammad Aiman ng Malaysia noong Abril.

“He is a young martial artist, undefeated, and a Wushu champion with good takedowns and good hands. He is talented, and he has had good matches with the organization,” dagdag ni Moraes.

 Hangad ni Moraes na mapanatili ang hawak sa 61.2-kilogram division sa kanyang unang laban dito sa Pilipinas.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with