^

Pang Movies

Movie nina Alden at Nora, kahanay na lang ng gay indie film na nilalangaw!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Napadaan kami sa isang sinehan sa Makati at nagulat kami dahil nakita namin ang isang pelikula na ginawa nina Alden Richards at Nora Aunor ay ipinapalabas sa isang sinehan na ka-double pa ang isang gay film na ang bida naman ay si Sebastian Castro, na kamakailan lang ay nakipag-break sa apat na taon niyang boyfriend na si Ryan Chua na dating reporter ng ABS-CBN.

Sa tingin namin, hindi rin kumikita ang dalawang pelikula kahit na magka-double. Iyong mga gay film, lalo na iyong mga indie na kagaya niyan, karaniwan inilalabas lang sa maliliit na sinehan, o iyong mga luma na kagaya ng Remar o Alta sa Cubao, at iyong Isetann sa Quiapo, kasi hindi naman talaga kumikita iyan. Iyon namang mga pelikula ni Nora, eh may iba nga ni hindi nakakatikim ng playdate sa mga sinehan. Karamihan straight to video, o inilalabas na lang sa TV. Pero si Alden makasama sa isang pelikulang double program na nga hindi pa pinapasok, ano iyan? Nasaan na iyong mga Aldenatics at AlDub? Bakit hindi nila sinuportahan ang pelikulang iyon ni Alden? O baka naman hindi nila alam na palabas na dahil sa social media lang yata lumabas iyon.

Tapos nadaanan din ng isang kaibigan namin sa isang sinehan sa Quezon City, na ang sabi sa amin ay ganoon din, “mukhang wala namang nanonood”.

Sa totoo lang, nakakatakot ang mga nangyayaring career moves niyang si Alden lately. Na-bash na nga siya nang todo nang gumawa siya ng isang docu-drama na obviously ay propaganda material ng mga dilawan laban sa martial law. Ngayon may pelikula pa pala siyang kasama si Nora Aunor na bukod sa ni walang publisidad, ipinan-double pa sa isang gay film. Magkasunod na flop iyan. Iyong drama niya sa TV tungkol sa Martial Law mababa ang ratings, tapos ngayon flop sa takilya ang pelikula niya.

Sasabihin nila, eh kasi wala namang promo. Eh kasi short film lang iyon na pan-double nga sa isang gay film. Pero papaano ninyo sasagutin ang katotohanan na ginawa nga iyan ni Alden?

Mag-iisip ka tuloy, kaya pala galit na galit sila sa tuwing may mababalitang may ibang nanliligaw kay Maine Mendoza dahil ganyan.

Mark Neumann hindi na nakabangon sa video scandal

Sinasabi ni Mark Neumann, happy na raw siyang freelancer lang at walang kontrata sa alinmang TV network. In reality, siguro ang mas masasabi “wala kasing offer”.

Sayang ang batang iyan. May hitsura. Marunong namang umarte. Binigyan ng todong build up ng TV5 noon. Kaso noong umaangat ay biglang lumabas ang ginawang sex video, Bagsak.

Kasalanan nila iyan. Hindi sila nag-iingat sa kanilang mga ginagawa. Tingin niya “just for fun” eh papaano nga kung kumalat kagaya noon. Alam naman ninyo sa social media ngayon, lahat ng kalaswaan kumakalat. Lahat ng kasiraan ng mga artista ikinakalat din.               

Liza Diño may patama sa mga blogger na nagkakalat ng fake news

Tumama rin si Liza Diño. Sinabi niyang iyang mga blogger nag-aawayan pa tungkol sa fake news, eh lahat naman sila ganoon talaga. Sinabi pa niyang hanggang iyang mga blogger ay  umiiral ang self-interest, hindi iyan makapaghahatid ng lehitimo at mahusay na balita. Totoo iyan, kaya masasabi naming tumama rin si Liza Diño.

Pero sino ba ang tumangkilik sa mga blogger? Hindi ba sila rin?

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with