Cyberbullying
Ano ba ang cyberbullying? Ang cyberbullying ay bullying na nangyayari sa online, cell phone, at ibang connected devices. Ang bullying ay ang paulit-ulit na harassment o ibang uri ng pangungutya na kadalasan ay nangyayari sa mga peers sa school ng bata.
Importante na maalala na hindi lahat ng comment at hindi magandang interaction ay pumapasok sa level ng bullying.
Minsan ito ay parte lamang ng “drama” na sinasabi ng ibang estudyante. Dahil maraming behavior ng bata na tinatawag na cyberbullying na puwedeng dahilan ng overreaction at hindi tamang response ng mga bata.
Ang ibang teenager ay nabibiktima ng cyberbullying at marami pa ang nakararanas. Importante na hindi basta minimize ang seryosong problema, kundi bigyan diin na ang bullying ay hindi normal na pag-uugali. Sa halip ay maging mabuti, mabait, i-reinforce ang positibong behavior na nagpapabawas ng problema ng bullying.
- Latest