^

Para Malibang

Pangalawang Anino (233)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

TAKANG-TAKA ang ama na bigla na lang nawala ang anak niyang nakaangkas sa kanyang likuran. “Nasaan ang anak ko? Nasaan?”

“Erning, hindi kaya nalaglag mula sa iyong motor hindi mo lang namalayan?”

 “B-Babalikan ko siya sa daan. Baka nga nahulog siya! Sana hindi naman siya nasaktan!”

“Naku, puwede bang hindi? Okay lang masaktan huwag lang seryoso. Sige na, balikan mo na.”

Pinasibad ng ama ang kanyang motor pabalik.

Pero wala siyang Makita sa daan, wala ang kanyang anak. Nakahinga lang siya nang maluwag dahil wala rin naman siyang nakitang dugo o ano mang palatandaan na may masamang nangyari sa kanyang anak nang mawala ito sa kanyang motorsiklo.

Pero sobra rin siyang nagtataka.

“Kung gano’n nasaan ang anak ko?”

NADALA na ni Yawanaya sa bago at magandang bahay ngayon ni Yawan ang batang dinukot niya.

“Magandang bata ‘yang pangalawa mong iaalay kay Yawan, Yawanaya. Napangisi si Alona.

“Itatago ko sa silid sa itaas, Mommy. Magkasama sila noong una kong nakidnap. At hahanap ako ng pangatlo.”

“Bibilisan mo!”

“Natural ho. Alam ko naman na kailangan nang ma-revive si Yawan.”

“Parehong babae ang dalawang nahuli mo. Lalaki naman ang pangatlo, kailangan guwapo at malusog, ha? Para bagay sa aalayan.”

“Huwag kang mag-alala, Mommy. Kilala mo naman ako. Mapili ako. Kahit sa mga iaalay. Lalo na nga ang aalayan ay si Yawan na maganda.”

“Iyung babagay lamang sa anak ko ang pangatlong batang kukunin mo, Yawanaya. Makinis, malusog, maputi, cute na cute! Hihihiiii!”

“Okies. Ako ang bahala. Babayu! Babalik later kasama ang pangatlong iaalay.” At mabilis nang umalis si Yawanaya.

UMIIYAK ang dalawang batang babae sa malaking silid na pinagkukulungan nila. Hindi nila magalaw-galaw ang mga pagkaing inihain sa kanila.

Mga masasarap na pagkain. Pero dahil nakakulong, takot ang dalawang bata. Paano ba sila magugutom kung nararamdaman nilang kamatayan ang naghihintay sa kanila? Itutuloy

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with