^

PSN Palaro

CdSL, De Ocampo imakulada pa rin sa NAASCU

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinatiklop ng Colegio De San Lorenzo ang De La Salle-Araneta University, 76-66 para maikonekta ang ikalimang sunod na panalo sa NAASCU Season 17 men’s basketball tournament kahapon sa RTU gym sa Mandaluyong City.

Naging sandigan ng Blue Griffins si Soulemane Chabi Yo na gumawa ng 13 puntos mula sa 5-of-5 fieldgoal shooting habang nagtala naman si John Edcel Rojas ng 11 puntos para manatiling nakakapit sa tuktok ng standings sa Group B tangan ang 5-0 rekord.

Nagrehistro rin si Ray­mart Angelo Sablan ng 10 puntos para sa Griffins na may 30-of-57 shots.

Umani naman sina Jonas Briones at Rob Jason Aquino ng tig-12 puntos para sa La Salle Araneta na nakatikim ng ikaanim na sunod na kabiguan.

Sumalo sa liderato ang De Ocampo Memorial College na nanaig laban sa Our Lady of Fatima University, 87-84 para pantayan ang 5-0 baraha ng San Lorenzo.

Wagi rin ang Philippine Merchant Marine School kontra sa Rizal Technological University, 73-66 habang ginapi ng Lyceum of Subic Bay ang AMA, 80-74.

Kumana sina Dharrel Caranguian ng 24 points at Redel Fabro ng 18 points at siyam na rebounds para sa De Ocampo.

Nanguna naman sa panig ng Fatima sina Jessiery Pedrosa na may 16 points at Chris Essomba na may 15 points at 20 re­bounds.

Nakakuha naman ang Mariners ng 18 puntos mula kay Richmond Gilbero at 13 puntos at 10 boards kay Rocky Antonares. 

CDSL 76--Chabi Yo 13, Rojas 11, Sablan 10, Laman 7, Nuvda 6, Vargas 5, Baldevia 4, Alvarado 4, Formento 4, Borja 4, Gabriel 3, Ancheta 3, Callano 2, Dela Cruz 0

 DLSAU  66--Briones 15, Aquino 12, Batungbakal 8, Cortes 8, Alcoran 7, Correche 5, Del Rosario 5, Batan 4, Dela Torre 2, Buslon 0

 Quarterscores: 23-13, 46-26, 59-41, 76-66.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with