^

Police Metro

Ex-lady solon kinasuhan sa 7 ghost projects

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil umano sa paggamit ng kanyang pork barrel funds sa pitong ghost project sa pamamagitan ng pekeng foundation kung saan ay nagkaroon ng kickback na P62.63 milyon ay sinampahan ng kaso sa Sandiganbayan si da­ting Misamis Occidental 1st District Rep. Marina Clarete.

Nabatid na kinasuhan ng 18 counts ng graft, pitong counts ng malversation at 11 counts ng complex crime of ma­l­versation si Clarete na naisagawa sa pamamagitan ng pamemeke ng mga dokumento.

Nais ng Office of the Ombudsman na panagutin si Clarete at huwag itong payagang magpiyansa sa kasong malversation dahilan sa pamemeke na kung saan ay aabot sa P 820,000 ang piyansa  sa kaso.

Inirekomenda rin ng Ombudsman ang no bail sa kasong malversation sa pamamagitan ng pamemeke ng dokumento laban kay dating Agriculture Secretary Arthur Yap na ngayon ay kongresista ng ikatlong distrito ng Bohol.

Sa record ng Ombudsman, si Yap ay nadawit sa isa sa pitong ghost projects ng kongresista kung saan pinatawan ito ng dalawang counts ng graft at isa naman ay sa malversation of public funds. Aabot naman sa P100,000 ang piyansa sa kaso.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with