Ex-Zambo Mayor dinismis ng Ombudsman
MANILA, Philippines - Dinismis ng Ombudsman si dating Zamboanga del Sur Mayor na ngayon ay Vice Mayor na si Nacienceno Pacaligoga dahil sa pamemeke ng Statements of Assets Liabilities and Net Worth (SALN).
Ayon sa Ombudsman, hindi idineklara ni Pacaligoga ang malalaking mga ari-arian nito noong 2011, 2012 at 2014 sa kaniyang isinumiteng SALN.
Kaya’t pinatawan si Pacaligoga ng parusang pagkansela ng kaniyang eligibility, pagtanggal ng benepisyo sa pagreretiro at diskuwalipikasyon sa re-employment sa serbisyo sa gobyerno.
Inatasan rin ng Ombudsman ang Secretary of Interior and Local Government na mag-implementa ng karampatang parusa laban kay Pacaligoga.
Nabigo si Pacaligoga na ideklara ang sampung lupain nito sa magkakaibang barangay sa bayan ng Dumingag at ikinatwiran na hindi na umano niya kailangang ideklara pa ang kaniyang mga ari-arian pabor sa Dumingag United Subanen Association Inc at isang tinukoy na si Roel Dumayon noong 2011.
Nakitaan rin ng Ombudsman ng probable cause para patawan ng tatlong counts ng perjury at tatlong counts ng paglabag sa Section 8 sa ilalim ng Section 11 ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (Republic Act No. 6713).
- Latest