^

Bansa

Sen. JV inabsuwelto ng Sandiganbayan

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Matapos na ma-acquit ng Sandiganbayan sa kasong technical malversation na may kaugnayan sa paggamit ng P2.1 calamity funds na ipinambili ng matataas na kalibre ng baril, nagpasalamat kahapon si Senator Joseph Victor “JV” Ejercito sa mga mahistrado dahil sa paglinis ng kanyang pangalan.

“This is truly a good day. I thank the Lord, I thank the good justices of the Sandiganbayan for remaining true to their duty of upholding justice and fairness. At the moment, I am just grateful that my name has been cleared and redeemed from charges,” ani Ejercito.

Sa kanyang pahayag, mu­ling pinanindigan ni Ejercito na sa dalawang taong paggulong ng kaso, inosente siya sa naturang alegasyon ng katiwalian na ngayo’y na-klaro na ng korte.

Si JV ay inabsuwelto ng anti-graft court matapos na tanggapin ng korte ang “demurrer to evidence” na inihain ng senador at mga kapwa akusado.

Sa inilabas na desisyon ng Sandiganbayan 6th division, walang naipakitang sapat na ebidensya ang prosekusyon laban kay Ejercito at mga akusado na nag-udyok na ma-dismiss ang kaso.

Sa hiwalay namang opinyon ni Sandiganbayan Associate Justice Karl Miranda, sinabi nito na ang calamity funds ay maaari umanong gamitin na ipambili ng mga armas dahil ikinokonsidera ito na bahagi ng disaster preparedness.

Inalis na rin ng Sandiganbayan ang hold departure order laban kay Ejercito at mga kasamang na-acquit na sina Leonardo Celles, Andoni Miguel Carballo, Vincent Rainer Pacheco, Angelino Mendoza, Dante Santiago, Rolando Bernardo, Grace Perdines, Domingo Sese, Francis Keith Peralta, Edgardo Soriano, Jannah Ejercito-Surla, Francisco Javier Zamora, Ramon Nakpil at Joseph Christopher Torralba.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with