^

PSN Opinyon

‘Matapos ang SONA, armchair generals, naglabasan!’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MULA sa United States, nakabakasyon man ay patuloy akong nagmamatyag at nag-aanalisa sa mga kaganapan diyan sa Pinas. Ito’y bilang paghahanda na rin sa muling pagsahimpapawid ng BITAG Live sa bago nitong tahanan, ang PTV4.

Katatapos lamang ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pres. Rodrigo “Digong” Duterte. At ako’y natatawa dahil tulad ng inaasahan, maraming naging pakulo ang mga higanteng media network para masabing eksklusibo ang kanilang coverage.

Isa dito ay ‘yung pag-i-interview sa mga eksperto kuno para bigyan ng grado ang Presidente sa kanyang performance at sa konteksto ng SONA nito. Siyempre, naglabasan ang mga tinatawag na armchair generals, would be experts o wannabe’s na maaaring magaling sa larangan na kanilang itinuturo sa unibersidad at pagbuo ng teorya subalit hindi sa realidad.

Mga eksperto raw sa larangan ng ekonomiya at pulitika pero hindi mo na malaman kung kathang-isip na lamang o idealismo at malayung-malayo na sa kasalu­kuyang katotohanan. Kawawa naman ang mga ito, sa kagustuhang makakuha ng rating ng mga network, pinag­mukhang mga kurimaw ang mga eksperto kuno.

Sino ba naman kasing Poncio Pilato ang basta na lang magsasabi na eto dapat ang grado ng Presidente kasi marami siyang hindi nagawa blah blah blah, mga balahura! Magkakaiba ng standard  ‘yan eh, sa standard ng mga Duterte followers siyempre mataas ang rating. ‘Yung kanya namang mga kritiko na patuloy na naghahanap ng mali, at marami pang sinasabi, lagpak talaga ang kanilang ibibigay na grado. 

Kilala n’yo naman na kung sino ‘yang mga ugok na ‘yan, na ang trabaho ay maghanap ng mali. Nagpapakitang sila’y malakas, makapangyarihan at marurunong subalit wala naman talagang binatbat dahil ang laman ng kanilang utak – cotton candy!

Ang masaklap sa mga kenkoy na kritikong ito, ginagawang sangkaterbang bobo ang mga Pinoy na kanilang ipagduduldulan ang kanilang maling katwiran. Paiikutin ang publiko sa kanilang tsubibo pero sa huli, sila rin ang nahihilo dahil nilalampaso sila ng trust and popularity rating ni President Digong.

Umpisa lamang ito, marami pa akong sasabihin pero utang na loob pagbakasyunin n’yo muna si BITAG. Pagbalik ko sa Agosto, ikakasa ang no holds barred analysis ko sa mga isyung ito. Adios!

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with