‘Ilocos 6’ palalayain na ng Kamara
MANILA, Philippines - Handa na ang liderato ng Kamara na palayain ang tinaguriang “Ilocos 6”.
Ito ay dahil magsasagawa ng emergency meeting ang House committee on good government and public accountability bukas, Hunyo 20, dakong ala 1:30 ng hapon para bigyan ang anim ng huling pagkakataon na linisin ang kanilang pangalan at sabihin ang kanilang nalalaman kaugnay sa umano’y anomalya sa P66.45 million in public funds ng lalawigan mula sa share sa excise tax collections mula sa locally manufactured na Virginia type cigarettes.
Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, chairman ng komite, na kaagad papalayain ang anim sa sandaling magsabi sila ng katotohanan tungkol sa nasabing anomalya para na rin sa kapakanan at interes ng publiko.
Sina Ilocos Norte treasurer Josephine Calajate, accountant Edna Batulayan, budget officer Evangeline Tabulog, bids and awards committee head Pedro Agcaoili gayundin si Genedine Jambaro at Encarnacion Gaor ng provincial treasurer’s office ay nakaditine sa Kamara simula pa noong May 29 matapos silang ipa-contempt ni House Majority leader at Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas.
Nagbanta naman si Pimentel kay Ilocos Norte Rep. Imee Marcos na aarestuhin kapag binalewala niya ang subpoena para humarap siya at tumestigo sa komite sa susunod na hearing sa Hulyo 25.
Nilinaw naman ng kongresista na ayaw nilang mapahiya si Marcos, subalit kung pipilitin sila ay handa rin ang Kamara na gawin sa Gobernadora ang ginawa nila kay Ronnie Dayan na naayon naman sa House Rules.
Matatandaan na na-cite for contempt si Dayan ng House committee on Justice matapos siyang tumanggi sa kautusan ng Kamara na tumestigo sa Bilibid drug trade na kinasasangkutan umano ni Sen. Leila de Lima.
- Latest