^

PSN Palaro

Philips dinala sa panalo ang SLR

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nagpasabog ng matatalim na atake si MJ Phillips upang dalhin ang Sta. Lucia Realty sa 25-20, 21-25, 25-17, 25-16 panalo laban sa Cherrylume kahapon sa Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference sa The Arena sa San Juan City.

Nakalikom ang power-hitting Filipino-American ng 23 attacks kasama ang dalawang aces para sa Lady Realtors na nakatikim ng unahang panalo sa tatlong laro.

Kinakailangan ng Realtors na manalo laban sa Cocolife at F2 Logistics para magkaroon ng magandang puwesto sa crossover quarterfinals.

Nagdagdag naman si dating University of Santo Tomas standout Pam Lastimosa ng 13 hits at may tig-siyam sina Janine Navarro at Danika Gendrauli para sa Sta. Lucia.

“We served really tough and passed really well. We’re still a work in progress, but we really wanted to get this win,” wika ng 6-foot na si Phillips na ipinanganak sa Zambales ngunit lumaki sa Carson, California kung saan naglaro ito para sa Juniata College sa Division III ng US NCAA.

Lumasap ng ikaapat na sunod na kabiguan ang Cherrylume na binubuo ng mga manlalaro ng University of the East, naghahanda para sa UAAP Season 80.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with