Simpleng mananahi na pangarap maging pulis, ikukwento ni Lola Goreng
MANILA, Philippines - Dahil malapit na mag-Independence Day, nagkalat ang Philippine Flags sa kung saan-saan. Mapapansin ito nina Elvis, Alice at Moira at mapapag-usapan nila ang kalayaan pati ang mga bayani. Elvis tells everyone na gusto niya ring maging bayani. Ang turo ni Lola Goreng (Gloria Romero), kapag may tapang kang gawin ang tama, kapag tumutulong ka sa kapwa mo, kapag naninindigan ka para sa mga maliliit na tao...bayani ka na rin. Kaya naman desidido si Elvis na makatulong. Ang kaso, mawawala niya ang magic wand niya kaya problemado si Elvis. Paano na siya makakatulong ng walang magic, e maliit pa siya at hindi pa siya ganun kalakas?
Dito na magkukwento si Lola tungkol kay Chuck, the tailor. Si Chuck ay isang simpleng mananahi lamang pero pangarap niyang maging pulis kahit pa hindi siya nakapagkolehiyo at kahit pa wala siyang training. Encouraging ang nanay ni Chuck, kaya naman sinabi nito sa anak niya na tuparin na ang pangarap at maglakbay na papunta sa kapitolyo.
Sa kanyang paglalakbay, may haharang kay Chuck na higante sa gubat. Ayaw siyang padaanin nito. Pero gagawin ni Chuck ang lahat para mapadaan siya dahil hindi siya papayag na may maging hadlang sa pagtupad niya sa mga pangarap niya. May mga tests na gagawin ang higante at maipapasa niya ang mga ito.
‘Pag dating sa kapitolyo, makikilala na rin finally ni Chuck ang Gobernador at sasabihin dito ang pangarap niyang maging pulis. Kahit ang Gobernador ay may mga pagsubok na ipapagawa sa kanya. Papaharapin siyang muli sa dalawa pang higante at papahulihin pa siya ng mailap na hayop. Sa huli, muntik pa nga siyang ipatapon ng Gobernador. Pero walang makakapigil kay Chuck dahil desidido talaga siyang maging pulis.
Sundan ang kwento ni Chuck the tailor, ang kwento tungkol sa hindi pagsuko sa mga pangarap kahit anong mangyari, sa Daig Kayo ng Lola Ko ngayong gabi sa GMA 7.
- Latest