Martial Law solusyon sa Mindanao
MANILA, Philippines - Walang ibang solusyon sa paglutas ng terorismo sa Mindanao kundi ang idineklarang Martial Law ni Pangulong Duterte.
Sa lingguhang forum na Kapihan sa Manila Hotel, sinabi ni dating AFP Chief, General Dionisio Santiago na wala nang ibang maaaring pagpilian kundi ang suportahan na lang ang batas militar.
Nagbabala ang dating heneral na kung kokontrahin ang martial law sa Mindanao ay tiyak na lalo lamang lalakas ang loob ng terorista.
Iginiit ni Santiago na walang silbi ang demokrasya sa pamilyang Maute dahil mahirap silang kausap.
Nanindigan naman si Santiago na hindi palpak ang intelligence efforts ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Sadya aniyang mahirap din ang operasyon sa Marawi dahil sa terrain at topograpiya nito.
Nakapagpapadagdag din aniya sa malaking problema ang sympathizers o tagasuporta ng Maute group ngunit siya ay naniniwala na kaya itong lutasin ng mga sundalo ng pamahalaan.
- Latest