^

Para Malibang

Perfect Summer Trip

PRODUKTIBO - Pang-masa

Gusto ng lahat na ang ilang linggong natitira sa pagbabakasyon ngayong summer ay maging perfect. Sino ba ang gustong masa­yang ang pinaghirapan at pinaglaanang  pera at  oras na mauwi sa wala.

Pero naiplano ba ang gagawing bakasyon, tulad ng pag-check ng requirement sa planong pag-travel lalo na kung sa abroad. Mara­ming bansa ang visa-free, meron ding madali lang ang kailangang papeles para makapasok sa border ng ibang bansa. Maaga pa lang ay ayusin na ang papel at i-send sa email para may back up sa magiging aberya.

Ang isa sa pinakamahalaga sa trip ay ang makakasama sa paglalakbay. Hindi ibig sabihin na komo  kaibigan o asawa ay masarap na kasama sa trip. Payo ng mga professional tour guides ay huwag matakot na tumanggi sa makakasama sa trip. Kung ang inaakalang happy trip ay maging disaster dahil puro stress lang ang inabot dahil sa nakasama sa bakasyon.

Kung sakali, ang best solusyon ay magkaroon ng bukas na komunikasyon. Makipag-usap agad para maayos ang problema. Maging malinaw din ang schedule ng gi­sing o oras ng pagkikita para sa mga lakad  kinabukasan. Para mabawasan ang tension,  ang pagsisihan ay hindi makatutulong, kundi ay i-patch up agad ang gusot.

Upang maging happy pa rin ang ending ng trip.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with