Hepe ng Maddela police, sinibak
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Sinibak sa kanyang puwesto ang hepe ng pulisya sa bayan ng Maddela, Quirino makaraang salakayin ng mga rebeldeng New People’s Army noong Sabado. ?
Tinanggap naman ni P/Chief Insp. Jhun-Jhun Balisi ang pagsibak sa kanya noong Linggo ni Cagayan Valley police director P/Chief Supt. Eliseo Rasco kung saan ipinalit si P/Chief Insp. Ricardo Salada.
Inamin naman ni Balisi na wala siya sa himpilan nang maganap ang pagsalakay ng NPA rebs.?
Base sa police report na nakarating kay Rasco, walang nagawa ang mga pulis sa himpilan ng Maddela makaraang disarmahan ng mga rebelde.
Gayunman, niratrat pa ang harapan ng police station saka kinulimbat ang apat na baril, anim na M16 Armalite rifle, dalawang laptop, uniporme at mga cell phone ng pulis saka tumakas gamit ang dalawang police service vehicles. ?
Napatay naman si PO2 Jerome Cardenas na nagtangkang manlaban.
Isinama ng mga rebelde sa pagtakas si SPO4 Antonio Siriban na ginawang human shield subalit inabandona naman sa bahagi ng Barangay Cabua-an kasama ang dalawang police service vehicles.
Nabatid na noong Pebrero pa lamang ay alam na ng pulisya na may mga rebeldeng umaaligid na sa mga Barangay San Martin, Cabua-an at sa Barangay Sto. Niño na handang manalakay subalit binalewala ito.
- Latest