Parak na sabit sa colorum vehicles imbestigahan
MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) kay PNP Chief P/Director General Ronald “Bato’ dela Rosa ang mga tiwaling pulis na nagmamaneho umano ng mga colorum vehicles.
Ito ay iginiit ni LCSP founding President Ariel Inton kay Dela Rosa makaraang makatakas ang isang pulis na hinuli ng mga tauhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board dahil sa pamamasada na walang franchise sa may NAIA road sa panulukan ng Tambo Service Road sa Pasay noong Abril 26 alas-7 ng umaga.
Sinasabing ang driver ng colorum van ay nagpakilala lamang pulis nang mahuli at nagpakita pa ng kanyang baril saka agad na sumibat patakas.
Binigyang diin ni Inton na dapat masupil ni Dela Rosa ang mga tauhan na ginagamit ang kapangyarihan at posisyon para makapamasada ng mga colorum vehicles.
- Latest