LJ may kasunod agad na raket
MANILA, Philippines - Hindi pa man matatapos ang Pinulot Ka Lang Sa Lupa ay may bagong teleserye na agad na ginagawa si LJ Reyes. Ito ay sa upcoming GMA sexy dramedy na D’ Originals kung saan malapit sa karakter ng Kapuso actress ang magiging kaagaw niya sa kanyang asawa na gagampanan naman ni Mark Herras. Ang half-sister ni LJ sa serye na bibigyang-buhay ni Lovely Abella ang siya palang mang-aahas sa kanya!
Interesting ang magiging love triangle nila dahil alam naman natin based sa mga ginampanan niyang roles before na palaban itong si LJ.
Kakaiba nga raw ang new project niyang ito. “Very very exciting. Iyon lang ang masasabi ko para sa show na ito. It’s very different from the usual soap na napapanood natin. Different yet realistic,” sabi ni LJ.
Agree naman kami rito kung pagbabasehan ang mga napapanood naming teaser sa TV at sa social media. Pati nga netizens ay ginagaya ang mga faceoff between the original wives at mga kabit. Under GMA Public Affairs ang D’ Originals at balita namin ay eere na very soon.
Mulawin vs. Ravena ‘di pa alam kung kailan lilipad
Mula nang ipakita ang star-studded cast ng Mulawin vs. Ravena noong Lunes sa 24 Oras, hindi na mapakali ang fans sa nalalapit na pag-ere ng upcoming sequel ng GMA telefantasya. Tuwang-tuwa kasi ang Kapuso viewers nang malaman nila na muli itong pangungunahan ni Dennis Trillo.
Natuwa rin sila nang malaman na gagampanan ni Heart Evangelista ang karakter ni Alwina dahil kakaiba raw ito.
In addition, gulat at saya naman ang na-feel ng fans ni Lovi Poe nang malamang isa rin siya sa bubuo ng highly-anticipated program ng Kapuso Network dahil tulad ng kanyang BFF na si Heart, it’s definitely one to look out for daw.
Hindi rin nagpahuli ang TomCar fans nang malaman nila na magsasama muli sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.
Isang tanong tuloy ngayon ang lumulutang patungkol sa Mulawin vs. Ravena: kailan ito magsisimula?
Pepito Manaloto pumatok ang summer episode
Nag-enjoy pala ang televiewers noong Sabado ng gabi sa first part ng summer episode ng Pepito Manaloto na sa Catanauan, Quezon pa nagpunta ang cast and crew. Ito ay base sa ratings na nakuha nila last Saturday. Kaya sigurado sabik kaming panoorin uli nila ang second part sa Sabado.
- Latest