P58.30 pagtaas sa kada tangke presyo ng LPG, umalagwa
MANILA, Philippines - Isa na namang malungkot na balita, dahil magpapatupad ng panibagong big time price hike ang ilang kompanya ng langis sa presyo ng kanilang Liquified Petroleum Gas (LPG) kahapon.
Pinangunahan ito ng Petron at sa kanilang anunsiyo, alas-12:01 ng madaling araw ng Pebrero 1 ng taong kasalukuyan, nagtaas ng P5.30 kada kilo ang kanilang Gasul at Fiesta Gas na may katumbas ng P58.30 na dagdag-presyo sa bawat 11 kilogram na tangke nito.
Bukod dito, tinaasan din ng Petron ng P3.00 ang presyo ng kada litro ng kanilang X-tend Auto-LPG, na ginagamit sa taxi.
Asahang mag-aanunsiyo na rin ng taas presyo ng kanilang LPG ang iba pang kompanya ng langis tulad ng Solane at Total. Ang panibagong LPG price hike ay bunsod ng pagtaas ng contract price nito sa pandaigdigang pamilihan kasabay ng panahon ng taglamig.
- Latest