^

PSN Showbiz

Male personality na iniwan ang pamilya, niloko ng sexy actress na pinatulan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Mas matindi pa sa kuwentong pampelikula ang pinagdaanan ng pakikipagrelasyon ng isang male personality sa isang sexy actress. Panglibro ang nakaraan nilang istorya.

Iniwan ng musikero ang kanyang pamilya, nakipag-live-in siya sa sexy actress, minahal niya ito nang todo at sinunod ang lahat ng luho ng babae.

Matagal na panahon din silang nagsama bilang mag-asawa, sinusustentuhan na lang ng male personality ang kanyang mga anak, nagtampisaw sila sa kaligayahan ng sexy actress.

Kuwento ng isang kaibigan ng musikero, “Naku, talagang para siyang pinainom ng kung ano ng babaeng ‘yun! Imagine, kinaya niyang iwan ang family niya, samantalang napakaresponsableng tatay niya?

“Nakisama siya sa girl, binuhay niya pati ang family ng babae, talagang nagbuhay-mayaman ang mga taong ‘yun nu’ng mga panahong ubus-ubos biyaya si ____(pangalan ng musikero) sa pagtulong sa kanila,” napapailing na kuwento ng friend ng musikero.

Heto na. Nauntog sa katotohanan ang musikero nang biglaan siyang umuwi mula sa ibang bansa nang hindi niya sinasabi sa girlfriend niya. Sosorpresahin sana niya ang girl pero siya ang nasorpresa.

“Dumaan siya sa isang food chain, magpapa-take out sana siya ng food, pero bigla niyang nakita ang girl na may kasamang lalaki na kilalang-kilala niya. Tinext niya ang girlfriend niya, ‘Nasaan ka?’

“Ang sagot ng girl, ‘Nasa house lang, watching TV.’ Text uli niya, ‘Totoo nga, nasaan ka?’ Nagalit pa ang girl, nakulitan sa kanya, dahil totoo raw na nasa bahay lang siya!

“Umakyat ang dugo sa ulo niya, pinababa niya ang driver niya, ‘Magpakita ka sa kanya, ituro mo ako, sabihin mo sa kanya na kanina pa tayo nandito.’

“Isa lang ang naisip ng musikero, ito ba ang babaeng ipinalit niya sa pamilya niya? Umalis lang siya nang ilang araw, pero pagbalik niya, e, ipinagpalit na siya sa iba?

“Nahimasmasan siya. Nu’ng maka-move-on na siya, bumalik na siya sa family niya. Hindi siya nanghihinayang na hiwalayan ang sexy star na parang daga na nalingat lang ang pusa, e, naglagalag na!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Vhong reregaluhan ng pahinga ang sarili 

Birthday ng dancer-comedian-actor na si Vhong Navarro sa January 4. Niregaluhan ng aktor ang kanyang sarili at ang kanyang pamilya. Ngayong Kapaskuhan ay magba-bonding sila sa ibang bansa.

Pagkatapos niyang kumpletohin ang pinagbibidahan niyang pelikula, ang Mang Kepweng Returns, pakiramdam ni Vhong ay dapat niya namang regaluhan ng pahinga ang kanyang sarili.

May It’s Showtime pa siya araw-araw, puro trabaho ang aktor, maaga siyang gumigising para harapin ang kanyang mga kompromiso.

Pero isa si Vhong Navarro sa mga personalidad na sobrang magmahal sa kanyang propesyon.

Kuwento ni Direk GB Sampedro, kaibigan at direktor niya sa Mang Kepweng Returns,“Napaka-professional ni Vhong, never niyang binigyan ng problema ang production sa kabuuan ng shooting namin.

“Nanggagaling pa siya sa It’s Showtime, pero hindi siya nale-late, masarap siyang katrabaho dahil marespeto siya sa mga co-stars niya,” sabi ng guwapong direktor.

Sinikap nilang tapusin sa takdang panahon ang pelikula para magkaroon ng espasyo ang proyekto sa Metro Manila Film Festival (MMFF), pero tulad ng mga pelikula ninaVice Ganda at Bossing Vic Sotto, hindi pinalad ang Mang Kepweng Returns.

Kundi magbabago ang playdate ay ipalalabas na ang pinagbibidahang pelikula ni Vhong sa January 4, mismong birthday niya, hiling ng dancer-actor na sana’y iregalo na lang sa kanya ng ating mga kababayan ang pagsuporta sa kanyang pelikula.

Nakakaaliw ang Mang Kepweng Returns, ito ang proyektong ihinapay sa pinagbibidahang pelikula nu’n ng namayapang sikat na komedyanteng si Papang Chiquito, magbabalik na ang makasaysayang albularyo ng pelikulang Pilipino.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with