Russian Grand Master nangunguna na
MANILA, Philippines - Tinalo ni third seed GM Boris Savchenko ng Russia ang fourth seed na si GM Levan Pentsulaia ng Georgia sa 60-moves ng Zukefort Opening para umakyat sa top spot kasama ang dalawa pa makaraan ang ika-anim na round sa Philippine International Chess Championships na ginanap sa Subic Bay Peninsular Hotel ng Zambales kahapon.
Sa panalo ni Savchenko, nagkaroon ng three-way tie sa top spot kabilang sina No. 1 at top seed GM Wang Hao ng China at No. 6 seed GM Vladislav Kovalev ng Belarus sa parehong 4.5 puntos.
Nakuha ni Hao ang positional advantage sa unang sultada ng laban ngunit hindi nito nakita ang winning position sa bandang huli kaya humantong sa tabla ang laro niya kontra kay second seed GM Anton Demchenko ng Russia sa 30 moves ng razor-sharp Sicilian showdown.
Si Kovalev naman ay tumabla kay Georgian GM Merab Gagunashvilli sa 38-move ng Ruy Lopez defense.
Dahil sa draw ni Savchenko ay nanatili ito sa grupo ng apat na players na mayroong apat na puntos kabilang na sina Gagunashvili at Woman GM Lei Tingjie ng China na naka-draw rin kay Filipino GM John Paul Gomez sa 19-moves ng Zukefort Opening.
Si Gomez, ang highest ranked Filipino players sa torneo ay may isang point na lang ang layo sa mga nangu-nguna sa kanyang 3.5 puntos.
Tatlo pang mga Filipino Woodpushers ang kasama ni Gomez na may parehong 3.5 puntos na sina IM Haridas Pascua na naka-draw rin kay No. 5 GM Mikheil Mchedishvili ng Georgia sa 37 moves ng King’s Indian, IM Paulo Bersamina na nakipag-draw kay GM Jha Sririam ng India sa 18 moves ng Ruy Lopez at IM Jan Emmanuel Garcia na nagwagi kontra kay Filipino IM Ronald Bancod sa 71 moves ng Ruy Lopez.
Sa ibang laro, nanalo si Filipino IM Chito Garma laban kay Manny Yu sa French Defense matapos ang 76 moves, draw si IM Janelle Mae Frayna kay Singaporean FIDE Master Lee Qing Aun sa 30 moves ng Benko Gambit, nalo si IM Emmanuel Senador sa kapwa Pinoy na si Emmanuel Emperado sa 32 moves ng Polish Opening at WIM Bernadette Galas na nanalo kay Rodolfo Panopio, Jr. sa Caro-kann sa 33-moves.
- Latest