^

Pang Movies

Jaclyn nag-emote sa panalo ni Andi

Joe Barameda - Pang-masa
Jaclyn nag-emote sa panalo ni Andi

Jaclyn Jose at Andi Eigenmann

MANILA, Philippines - Para sa mag-inang Jaclyn Jose at Andi Eigenmann, totoo ang kasabihang like mother, like daughter dahil pareho silang kinilalang Best Actress. Kaya para kay Jaclyn, ang tagumpay ng kanyang anak ang kanyang kaligayahan. Sa sobrang proud sa kanyang anak, agad itong nag-post sa kanyang Instagram account ng mensahe para sa panganay. “Congratulations Andi I am so proud of you you are indeed the best actress of your generation. I know how much you work hard for your craft and I know you do all these for Ellie I love you ! Proud!,” ani ng Kapuso actress.

Serye nina Gabby, Sunshine at Ryza, nag-trending

Hindi kami nagkamali nang sabihin namin na siguradong tututukan ng mga manonood ang GMA Afternoon Prime series na Ika-6 Na Utos na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion, Sunshine Dizon at Ryza Cenon. Mapapatunayan namin ito dahil pilot episode pa lang, trending na ito sa Twitter.

Nakakabilib talaga. In fact, ang lead actress nga nito na si Sunshine ay agad na nagpasalamat sa mga sumuporta at sumubaybay sa kanilang programa.

Abangan pa ang kapana-panabik at nakakaintrigang istorya ng Ika-6 Na Utos pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA.

Kapuso shows pinanood

Masaya kami sa nabalitaan namin tungkol sa mga programa ng GMA tuwing hapon. Ayon kasi sa aming source, panalo raw ang Afternoon Prime block ng Network na kinabibilangan ng Ika-6 Na Utos, Hahamakin Ang Lahat at Sa Piling Ni Nanay! Hindi naman ito kataka-taka dahil sa ganda ng mga istorya nito, talagang tututukan ito. Congratulations, mga Kapuso!                                    

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with