Buboy Villar itinanan na ang GF na kana
Balitang umalis na raw sina Buboy Villar at ang ka-live in niyang si Angillyn Gorens sa kanilang bahay. Mula sa isang reliable source, nakausap raw nito ang ina ni Buboy na Mrs. Naome Tamayo noong November 22 at galing dito ang balitang isang buwan na raw wala si Buboy sa kanilang bahay.
Kukunin sanang guest si Buboy sa isang TV show at ang parating nakakausap sa mga booking ng aktor ay ang ina nito.
Ayon pa sa aming source, bigla na lang daw umalis si Buboy at hindi alam ng ina nito kung saan sila nagpunta ng fiancée. May hinala ang ina ni Buboy na nagtanan na ang dalawa.
Noong tanungin ng source namin kung pumunta na ba ng Amerika ang dalawa, walang maisagot si Mommy Naome. Basta isang buwan na raw na hindi sila nagkakausap ng anak.
Noong i-check namin ang Instagram account ni Buboy, nag-post pa ito ng dalawang photo kung saan nag-celebrate sila ng kanilang anniversary ni Angillyn last November 22.
Pero seven weeks ang pagitan ng ipinost ngayon ni Buboy. Ang huli niyang post ay nagpalagay siya ng malaking tattoo sa kanyang likuran.
Kasama sa cast ng GMA-7 telefantasya na Encantadia si Buboy.
Hindi kaya nagkaroon ng matinding tampuhan ang mag-ina kaya nagdesisyong umalis na lang si Buboy kasama ang kanyang fiancée?
Naging open book ang love story nina Buboy at Angillyn simula noong aminin ng former child actor na nagli-live na sila noong mag-turn 18 years old ang kanyang fiancée.
Nag-propose na raw siya agad dito at may plano na silang magpakasal sa Amerika next year.
- Latest