Tapusin ang paghuhukay sa mga kalye
Marami pa ring isinasagawang paghuhukay sa mga kalye sa Metro Manila at isa ito sa dahilan kaya may trapik. Mayroon pa rin mga lugar o kalsada na halos isang taon nang ginagawa pero hanggang ngayon ay hindi pa natatapos. At palagay ko aabutin na ito ng Pasko at Bagong Taon. Perwisyong trapik ang idudulot ng mga paghuhukay ng DPWH.
Isa sa aking napansing hukay ay ang nasa Bustillos St. Sampaloc, Manila na hanggang ngayon ay ginagawa pa rin. Pakiramdam ko, hindi umuusad ang pagtatrabaho sa lugar na iyon.
Araw-araw ay laging trapik sa lugar. Ngayong tag-ulan ay umaapaw pa ang tubig kaya nagbabaha.
Akala ko, sabi ni DPWH Sec. Villar ay bibilisan ang trabaho. Taliwas yata ito sa gustong mangyari ni President Digong Duterte. Sa halip na bumilis ay bumagal ang pagtatrabaho.
Sana naman, aksiyunan ang paghuhukay sa Bustillos St.
Salamat po.
— ROGELIO MALNIS, Sor Petronila St. Sampaloc, Manila
- Latest