Bakit mahalaga ang dental record?
Nirerekomenda ng mga dentista na magsipilyo ng ngipin ng dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw. Minumungkahi rin na paabutin ng dalawang minuto, pero kalimitan ay inaabot lamang ng 48 segundo sa pagsisipilyo ng ngipin ang iba.
Kapag natanggal o nabunot ang ngipin, ito ay tumatagal lamang ng 15 minutes. Puwedeng ibabad sa gatas o isubo sa bibig, pero hindi rin ito magtatagal at mamamatay na ang ngipin.
Mahalaga ang dental record tulad ng fingerprints dahil unique ang bawat set ng ngipin na walang katulad sa ibang tao. Ang dental record na bukod sa kailangan ang history ng pasyente para sa clinical examination, ginagamit din ito sa forensic para ma-asses ang marka at pattern ng ngipin bilang ebidensiyang material na pagkakakilanlan ng isang indibidwal.
Ang isang lata ng soda ay naglalaman ng 12 kutsara ng asukal. Ito ay mahigit pa sa 6 hanggang 12 na tasang kape. Kaya nagpapaalala ang mga dentista lalo na sa sobrang pag-inom ng maraming softdrinks.
- Latest