^

Pang Movies

Kathryn nasarapan sa labi ni Daniel!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nakakatuwa at nakakakilig ang tanungan portion nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa Tonight With Boy Abunda aired last Wednesday.

Tinanong ni Kathryn si DJ kung may lalaki na ba itong pinagselosan sa kanya at mabilis na sagot ng Teen King, “Marami na”.

Tinanong ni Daniel si Kathryn, “Tatanungin ka ng mga friends mo, bakit mo nagustuhan si Daniel?”

Sagot ni Kath, “‘Yung ugali, kung paano niya i-handle ang mga bagay at kung paano niya ako i-handle. Parang siya lang yata ‘yung nakita kong ganu’n.”

Say naman ni Daniel, “Okay na ako do’n.”

Tanong ulit ni DJ kay Kath, “Oo o hindi, sa tingin mo, magiging mabuti ba akong asawa?”

Tawa nang tawa si Boy Abunda at pati ang KathNiel mismo ay natawa.

Sagot ni Kath, “Eto, with all honesty, ha? Kasi si DJ, grabe, let’s say, pamangkin ko, kay Jordan, sa mga kapatid niya, grabe, protective talaga at grabe niya disiplinahin, so, I think, that’s a yes.”

Ang tamis ng ngiti ni Daniel sa sinabing ‘yun ni Kathryn.

Ang pamatay na tanong ni Daniel sa kanyang leading lady, “Am I a good kisser?”

Kaaliw ang reaksyon nilang dalawa. Hindi agad nakasagot si Kath at tawa nang tawa. Say naman ni Daniel, “Sabihin mo na, yes or no”.

Sagot ni Kath, “Kasi nung syinut ‘yun Tito Boy, nanginginig talaga ang lips ko, so sabi ko, ‘bal (tawagan nila), ikaw ba ‘yan? Sabi niya,’ ‘hindi bal, ikaw ‘yan’. So, siya talaga ‘yung nag-alalay sa akin. And thank you”.

Say ni Kuya Boy, “And the answer is?”

“Yes,” sagot naman ni Kathryn. Tawanan, sigawan sa studio at pati si Daniel ay natawa’t halatang kinikilig.

Ang tinutukoy ni Kathryn ay ang kissing scene nila ni Da­niel sa Barcelona, A Love Untold.

Gwen, idea ang tsugihan nila ni Sid sa lamesa

Sulit na sulit ang pagpayag ni Gwen Zamora sa mapangahas na love scenes nila ni Sid Lucero sa pelikulang Apocalypse Child dahil nominado siya bilang Best Actress sa 2016 Luna Awards ng Film Academy of the Philippines na gaganapin ngayong Sunday, Sept. 18.

Bukod sa Best Actress nomination ay na-nominate din si Gwen sa 2016 Gawad Urian bilang Best Supporting Actress para sa nasabing pelikula pa rin.

Sa pocket presscon niya last Wednesday ay napag-usapan nga ang hot and daring love scene nila ni Sid at kwento ni Gwen, inabot daw sila ng isang araw sa pagbuo ng eksenang ‘yun.

“As in the whole day, that was the only scene we were doing,” kwento niya.

Gwen remembered na bago kunan ang love scene ay hindi raw talaga nila alam kung paano gagawin ang daring scene, kabilang na ang direktor na si Mario Cornejo.

Kaya ang ginawa raw ni direk ay pinag-break sila the whole morning para isipin lang kung paano ang gagawin sa eksena.

Si Gwen ang nakaisip at nag-suggest na gawin ang love scene nila ni Sid sa table para maiba naman since ang love scene ni Sid with another co-star Annicka Dolonius ay sa kama.

Pero fully dressed naman daw siya at si Sid lang ang nagbaba ng pants kung saan ay nakita ang butt nito.

When asked kung napanood na ba ng fiancée niyang si Jeremy Marquez ang movie, ani Gwen ay hindi raw at ayaw niya rin daw para maiwasan na rin ang pagseselos.

“I don’t wanna put him in that situation. If it can be avoi­ded, why not?” she said.

May possibility na hindi magustuhan ni Jeremy ang love scene?

“I understand naman where he’s coming from, eh. If I saw my loved one doing a scene like that, of course I would get somewhat jealous,” sagot ni Gwen.

Pero alam naman daw ni Jeremy na may love scene siya at mas okay na ganu’n na lang at huwag na panoorin.

By the way, kinumpirma rin ni Gwen na ikakasal na sila ni Jeremy early next year sa Bohol. Two years na ang kanilang relasyon at dalawang beses daw nag-propose sa kanya ang boyfriend. Sa parehong pagkakataon, she said yes.

Kasalukuyan na nilang inaayos ang detalye at nakapili na rin siya ng gown na gawa ni Monique Lhuillier. Ipo-post na lang daw niya kung sino ang mga ninong at ninang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with