Makulay na mundo ng bulag
Ang ibang tao ay nawawalan ng paningin o nabubulag sa kalaunan sa kanilang buhay lalo na sa mga nakatatanda o dahil sa kumplikasyon ng sakit na diabetes. Alam pa rin nila ang eksaktong kulay sa paligid tulad ng ibang tao na mayroong normal na paningin.
Pero nakabibilib ang mga taong ipinanganak na bulag dahil kaya nilang iugnay ang kulay sa paligid sa unique na paraan. Tulad ng apoy na dilaw, langit na asul. Maging ang kulay ng kalikasan na kapag blue ay malamig, puti na frozen, at pula na mainit. Kaya nilang sabihin ang light colors, pero hirap sa pagkakaiba ng kulay mula sa black at brown; puti sa pink.
Pero kahit saan paraan ang mga bulag ay nakakaintindi ng konsepto ng kulay ng mundo.
- Latest