Cuban coach inihahanda si Donaire vs Magdaleno
MANILA, Philippines – Umabot na sa walo ang training sessions ni WBO super bantamweight champion Nonito Donaire Jr. sa ilalim ng kanyang bagong Cuban coach na si Ismael Salas.
“He’s bringing back my skills as a technician without taking away my punching power. He’s making me realize my potential,” sabi ni Donaire kay Salas.
Nakatakdang itaya ni Donaire ang kanyang WBO crown laban kay undefeated challenger Jessie Magdaleno sa undercard ng main event sa pagitan nina WBO welterweight champion Jessie Vargas at challenger Manny Pacquiao sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas sa Nov. 5.
Nauna nang nagsanay si Donaire sa ilalim ng kanyang amang si Nonito Sr. at ni Robert Garcia.
Si Salas ay dating national amateur boxing coach ng Cuba at Thailand.
Tumayong trainer si Salas ni Magdaleno sa nakaraang dalawang laban ng Mexican noong nakaraang taon.
Sa ilalim ni Salas ay tinalo ni Magdaleno sina Raul Hirales at Vergel Nebran.
Sa huling laban ni Magdaleno noong Pebrero ay muli niyang kinuha si trainer Joel Diaz na dating umagapay kay Tim Bradley.
Para sa kanyang pagharap kay Donaire ay kinuha ni Magdaleno si trainer Manuel Robles ng The Rock Gym sa Carson, California.
Ayon kay Donaire, pag-aaralan niya ang mga fight tapes ni Magdaleno.
“Honestly, I haven’t watched him fight,” ani Donaire. “Right now, I’m focusing on my training with Ismael.
- Latest