^

Punto Mo

Video karera ni Buboy Go sa Malabon, untouchable?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Naguguluhan ang mga gunholders sa ngayon kung kanino sila mag-apply sa kanilang Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) sa Camp Crame. Na-relieve na kasi noong Martes itong si Supt. Norman Rañon, ang hepe ng PTCFOR, subalit patuloy pa n’yang inuukopa ang lamesa n’ya kaya’t walang mapuwestuhan ang kapalit na si Chief Insp. Wildemar Tiu. Bakit ayaw umalis ni Rañon? Ayon sa mga kosa ko sa Camp Crame, itong si Rañon at kasabwat na si alyas Joseph Baba, na isang FED dealer, ay patuloy na nag-o-operate ng kanila raket at baka naghihinayang ang una sa kikitain. Boom Panes! Ayon sa mga kosa ko, itong si Joseph Baba ang tagahanap ng aplikante sa PTCFOR at sinisingil sila ng mula P12,000 hanggang P15,000 at ang papeles ay ipinapasok ke Rañon. Ang bayad lang sa PTCFOR mga kosa ay P6,200 kaya’t malaki talaga ang pumapasok sa mag-among Rañon at Joseph Baba, di ba mga kosa? Noong Biyernes lang aabot sa 30 PTC ang ipinasok ni Rañon at tinanggap naman. Punyeta! Dapat imbestigahan ni PNP chief Dir. Gen. Bato de la Rosa itong si Rañon para maarok n’ya kung bakit kapit-tuko ito sa puwesto samantalang si Tiu ay nganga lang. Buksan mo Gen. Bato Sir ang sasakyan cum opisina ni Rañon at t’yak madami kang matutuklasang ebidensiya. Tumpak!

* * *

May katwirang magyabang itong si Buboy Go na untouchable ang video karera operations n’ya sa kaharian ni Malabon Mayor Len Oreta. Hindi lang sa maganda ang relasyon ni Buboy Go kay Mayor Oreta kundi naka-payola pa sa kanya ang CIDG, NCRPO, Northern Police District (NPD) at ipa pang mga operating units ng PNP at government agencies. Kung tingnan mong maigi ang kadahop-palad ng pitsa ni Buboy Go mga kosa, sino pa kaya ang maglalakas loob na magsagawa ng raid laban dito sa video karera n’ya sa Malabon? Baka puede iutos ni Pres. Digong ang pagsalakay sa video karera ni Buboy Go sa Malabon sa CAFGU dahil sila na lang ang hindi naka-payola sa naturang ilegalista? Punyeta! Aabutin din ng delubyo itong video karera ni Buboy Go sa Malabon, di ba PNP chief Gen. Bato de la Rosa Sir? Kelan kaya? Baka sa pagputi ng uwak! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Tingnan n’yo maigi Pres. Digong at Gen. Bato Sirs at pag-aralan kung bakit untouchable ang video karera ni Buboy Go sa Malabon. Tulad din ng raket sa shabu, halos lahat ng operating unit ay naka-timbre si Buboy Go kaya’t next to impossible na ma-raid ang mga makina n’ya. Ayon sa mga kosa ko, sa NPD lang ang payola ni Buboy Go weekly ay aabot sa P65,000 samantalang sa Malabon chief of police naman ay P55,000. Hehehe! Halos malapit na sa suweldo ni Digong at Gen. Bato ang payola ni Buboy Go sa NPD at Malabon COP ah. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Sa Bicutan naman ang tara ni Buboy Go ay P25,000, sa CIDG northern Field Office P15,000, sa CIDG NCR P10,000, sa opisina ni DILG Sec. Mike Sueno ay P15,000 at sa NBI ay P5,000. Boom Panes! Hayan, kaya’t mahimbing ang tulog ni Buboy Go dahil kumpleto-rekado ang kausap n’ya, di ba mga kosa? Ang taga-hatid ng payola ni Buboy Go mga kosa ay itong si alyas Noel. Hehehe! Weder-weder lang ‘yan!

Uulit-ulitin ko Pres. Digong at Gen. Bato Sirs, itong video karera ay kaakibat ng problema sa droga. Halos ang naglalaro ng video karera ay mga adik, na nagpapalipas ng tama dahil hindi makatulog sa magdamag. Kung talamak ang video karera sa Malabon, ibig sabihin n’yan ay naglilipana din ang drug pushers at user sa mga squatters area ng siyudad ni Oreta, lalo na ‘yaong malapit sa dagat, di ba mga kosa? Kaya’t kasama sa solution sa laban vs droga ay ang pagpasara ng video karera at t’yak mababawasan ang bilang ng mga drug users sa kalye. Get’s n’yo Pres. Digong at Gen. Bato Sirs? Hindi lang ‘yan! Pati corruption sa hanay ng PNP ay mabawasan din. Abangan!

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with