^

PM Sports

La Salle at FEU magpapang-abot

Pang-masa

MANILA, Philippines – Ang inaabangang pagtatapat ng defending champion Far Eastern University at ng itinalagang “team to beat” ngayong season na De La Salle ay masasaksihan na ngayong hapon sa tampok na laro ng nakatakdang double header sa pagpapatuloy ng aksiyon sa UAAP Season 79 men’s basketball tournament sa MOA Arena sa Pasay City.

Nadagdagan  ng kulay ang laban sa pagitan ng dalawang koponang ito matapos ang nahintong tune-up game nila sa San Juan Arena, mahigit dalawang linggo bago magsimula ang season.

Natigil  ang nasabing laro nang magkainitan at naging pisikal ang laban sa pagitan ng Tamaraws at Green Archers.

Umabot pa hanggang sa press conference para sa season opening ang parinigan ng mga  coaches ng dalawang panig na sina Tamaraws coach Nash Racela at bagong La Salle coach Aldin Ayo na parehong gustong matapos na ang naudlot na laro.

Sa pagkawala ng kanyang mga starters, dehado ang Tamaraws kontra sa Green Archers na sinasabing may pinakamalakas na line-up sa liga dahil sa pagkakadagdag sa kanilang team ng mga prominenteng rookies na sina Ben Mbala, Justin Baltazar at Aljun Melecio na inaasahang lalo pang magpapalakas sa dati ng powerhouse cast na kinabibilangan nina Jeron Teng, Abu Tratter, Jason Perkins, Thomas Torres at  Andrei Caracut.

Sa kampo ng Tamaraws, ngayong wala na ang mga starters na sina Mac Belo, Mike Tolomia, Roger Pogoy, Russell Escoto at Axie Iñigo, sasandal sila sa mga holdovers noong nakaraang taon para sa kanilang title retention bid na sina Reymar Jose, Monbert Arong, Steve at Ken Holmqvist at Prince Orizu.

Mauuna rito, itinalaga bilang isa sa mga paborito, uumpisahan naman ng National University ang kanilang kampanya kontra sa all- homegrown team ng University of the East na asam namang makaabot ng Final Four makaraang  kapusin noong nakaraang taon.

Magtatapat ang dalawang koponan na parehong kilala sa kanilang running game ganap na alas-2:00 ng hapon na susundan ng salpukan ng FEU at La Salle ganap na ika-4:00 ng hapon. FML

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with