^

Para Malibang

Kababaihan sa Slovakia binabasa ng tubig at pinapalo ng puwet

KULTURA - Pang-masa

Aba, may kakaibang tradisyon sa Czech Republic at Slovakia isang araw matapos ang Easter Sunday. Parte pa rin ng selebrasyon ang Linggo ng Pagkabuhay at tinatawag itong Red Monday.

Ang Easter Monday ay araw kung saan binubuhusan ng mga kalalakihan ang mga babae at pinapalo ng espesyal na whip (pamalo).

 Ang pamamalo sa puwet gamit ang whip na gawa sa tinirintas na tangkay ng willow tree ang isa sa mga kontrobersyal na Easter tradition sa dalawang bansa.

May habang 50 cm hanggang dalawang metro, ang espesyal na pamalo ay inihahampas ng magaan sa puwet ng mga babaeng kamag-anak dahil sa paniniwalang magbibigay ito ng suwerte sa buong taon. Karaniwang grupo ng mga kalalakihan ang susugod sa mga bahay ng kanilang mga kamag-anak para gawin ito sa sinumang babae nilang madatnan sa mga bahay. Pinaniniwalaan nilang makapagbibigay ito ng fertility sa babaeng papaluin sa puwet.

Kasabay nito, bina­basa rin ang mga babae sa Slovakia tuwing Easter Monday. Ang tubig kasi ay simbulo umano ng buhay at pinaniniwalaan nilang makapagbibigay ng mahabang buhay at kagandahan sa sinumang babasain.

Kung ang mga ka­babaihan ay pinapalo sa puwet at binabasa, bilang ganti ang mga kalalakihan ay pinakakain at pinaiinom ng alak.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with