^

Police Metro

Pulis, kasama dedo sa checkpoint

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kapwa idineklarang dead-on-arrival sa Ospital ng Maynila ang isang aktibong pulis at kasama nito matapos manlaban sa police checkpoint kamakalawa ng gabi sa Malate, Maynila.

Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina PO2 Manuel Fuentes Lim, 34, ng Block 6,  Lot 27,  Villa Corpina Tandang Sora,  Quezon City at Alexander Escobal, 40,  ng no. 2186 Balingkit, Leveriza St., Malate, Maynila.

Batay sa ulat, bago naganap ang insidente dakong alas-9:20 ng gabi sa northbound Lane ng M. Adriatico  St., Maynila, tapat lamang ng Harisson Plaza Mall at Rizal Stadium.

Nabatid na sinita ng mga pulis ang dalawang nasawi na sakay ng motorsiklo dahil wala itong mga helmet, subalit ayaw magpasita ang mga ito at sa halip ay namaril kung kaya’t gumanti ng putok ang mga pulis.

Batay sa record ng pulisya na noong Hulyo ng nakalipas na taon nang arestuhin ng kaniyang mga kabaro si PO2 Fuentes matapos makatakas ang ‘hinulidap’ na tricycle driver na kinikikilan ng P20,000, na dinukot sa Quezon City at idinetine sa Tondo, Maynila.

Agad namang naaresto si PO2 Fuentes, na noon ay nakatalaga sa Camp Crame.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with