^

Police Metro

Vice Mayor binoga ng tandem

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinagbabaril ng malapitan at napaslang ng motorcycle riding in tandem na mga armadong salarin ang isang incumbent na vice mayor sa gitna ng isang masayang pagtitipon sa bayan ng Pamplona, Cagayan nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang  biktima na si Pamplona Vice Mayor Aaron Sampaga, nagtamo ng mga tama ng bala ng M16 rifle at cal. 45 pistol na siyang naging sanhi ng kaniyang kamatayan.

 Sa ulat ng Cagayan Police, naitala ang krimen bandang alas-11:20 ng gabi habang nakikipagkasiyahan ang opisyal sa isang pagtitipon sa Brgy. Masi, Pamplona ng lalawigang ito.

Ayon sa imbestigasyon, pumasok sa compound  ng kapitbahay ng alkalde ang mga salarin na lulan ng motorsiklo na may ilang distansya mula sa pagtitipon ay pinagbabaril ng sunud-sunod ang opisyal na duguang humandusay sa insidente.

Sunud-sunod na putok ang umalingawngaw sa lugar na sumapul sa katawan ng bise alkalde habang mabilis namang tumakas ang mga salarin na sinamantala ang pagkakagulo ng mga tao sa pagtitipon.?

Ayon sa mga testigo ang  mga salarin ay nakasuot ng itim na jacket, kulay asul na t-shirt at nakasumbrero umano na nakababa sa bahagi ng mukha kaya hindi nila ang mga ito nakilala.

Nabatid na ang biktima ay tatlong termino na nagsilbing Mayor ng Pamplona bago ito tumakbong bise alkalde noong May 9 polls at mu­ling nagwagi. Patuloy ang masu­sing imbestigasyon sa motibo ng krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with