^

PSN Palaro

Takbo para sa Manila Bay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Humigit-kumulang sa 3,000 runners ang lumagda para tumulong sa pag­lilinis ng mga ilog at baybaying dagat sa kanilang paglahok sa Manila Bay Clean-Up Run sa Linggo sa harap ng Aliw Theater sa CCP Complex sa Pasay City.

Unang pakakawalan ang labanan sa 21km kasunod ang 10km category, 5 km at 3 km.

Ang nasabing event ay para sa 77th anniversary ng DZRH, ang flagship station ng Manila Broadcas­ting Company na siyang nag-oorganisa ng karera bilang miyembro ng “Sunset” partnership sa hanay ng mga etablisimiyentong tumutulong sa programa ng Land Bank na maibalik ang kagandahan ng Manila Bay.

Ang lahat ng finishers ay bibigyan ng free ride-all-you-can  tickets sa Star City.

Magkakaroon din ang MBC ng isang mini concert tampok ang Mocha Babes at popular DJ Tanya Chinita ng 101.1 YesFM  matapos ang karera.

Lalahok naman si archer at sprinter Cynthia Thomalla, hinirang na Aliwan Fiesta queen noong April, sa 5K race, habang tatakbo si triathlete at Ironman veteran Alexandra Faith Garcia, ang 2015 Reyna ng Aliwan first runner-up, sa 21K.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with