^

PSN Showbiz

Blind folded ‘pag nasa ‘Pinas hunk actor sa abroad nagpapahada para walang ebidensiya

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Bakit kaya ayaw mamatay-matay ng mga kuwento tungkol sa palihim-pailalim na raket ng isang hunk actor? Matagal na ang ganu’ng kuwento, paulit-ulit na lumulutang, pero hanggang ngayon naman ay walang naglalakas-loob na lumabas para panindigan na nakasalo nito sa isang mabilisang kaligayahan ang hunk actor.

Pero makinig ka sa kuwentuhan ng mga beki at matunog na matunog ang pangalan ng hunk actor, paborito raw siyang ka-partner ng mga beking doktor, may kataasan daw ang talent fee ng hunk actor sa mga pailalim niyang raket.

Kuwento ng isang source, “Para naman kasing hindi kapani-paniwala ang mga kuwento. Kasi, kapag nakikipagkita raw ang hunk actor sa beki, e, kailangang blind folded ang parukyano niya.

“Puwede raw siyang himasin sa mukha para mapatunayan ng beki na siya nga ‘yun, pero hindi siya puwedeng makita nang harap-harapan, kaya may takip daw sa mata ang makaka-partner niya sa kama.

“E, sino namang beki ang papayag sa ganu’n? Magbabayad siya nang malaki, pero hindi niya makikita ang face ng lalaki, hanggang boses lang ang lahat? Hindi totoo ‘yun!” pagkontra ng aming impormante.

‘Yun daw ang dahilan kung bakit kahit walang trabaho ang hunk actor sa kanyang network ay sunod na sunod niya ang kanyang mga luho. Kotse, mga branded stuff, samantalang wala naman siyang ginagawang proyekto.

Madalas daw magpunta sa ibang bansa ang hunk actor, du’n daw kasi niya madalas katagpuin ang mga beking kostumer niya na ayaw magpabuking, dahil kilalang-kilala ang mga ito sa lipunan.

Hirit uli ng aming source, “Inconsistent ang mga istorya! Kapag dito niya ginagawa ang milagro, e, blind folded ang beki, pero sa ibang bansa, walang takip ang mga mata ng customer niya? Hindi totoo ‘yun!

“Ikinakalat lang ‘yan ng mga naiinggit sa kanya, Spell I lang ang mga ‘yun, dahil wala siyang masyadong work pero living in style siya!”

Ubos!

Diyos na lang ang pag-asa para maayos ang pamilya Gretchen mas tumindi pa ang galit sa ina

Pagkatapos nang mahabang panahon ng kanilang pananahimik, maraming nag-akala na nagkakaroon na ng patagong pagkakasundo ang mga miyembro ng pamilya Barretto, pero hindi pa rin pala.

Magkakontra pa rin sina Gretchen at Claudine, hindi pa rin kasundo ni Gretchen ang kanyang inang si Mommy Inday Barretto, sa halip na bumabaw ang problema sa kanilang pagitan ay mukhang mas lumalalim pa.

Mahirap ipaliwanag pero matindi ang kinikimkim na sama ng loob ni Gretchen sa kanyang ina, kung gusto mong sirain ang maghapon ng aktres, ang susi lang du’n ay ang pangungumusta sa kanyang mommy.

May mga kuwento kaming alam kung bakit ganu’n na lang ang emosyon ni Gretchen laban sa kanyang ina, mga balidong rason ang nalaman naming impormasyon, pero dahil ina rin kami ay parang nahihirapan kaming unawain ‘yun at basta na lang tanggapin.

Ngayon ay nagkakagulo na naman ang mag-iina, pinagdudahan ni Mommy Inday ang isang basher na si Gretchen daw, nakihalo naman sa argumento si Claudine na nasa ospital pa hanggang ngayon.

At least daw, ang kanyang ina na seventy eight years old na ngayon ay hindi sumasailalim sa proseso ng botox, pasaring ‘yun kay Gretchen na alam naman ng publiko na palaging nagpapa-botox.

Natawa kami sa reaksiyon ng kaibigan naming propesor na parang nawawalan na ng pag-asa tungkol sa pagkakasundo ng mag-iina.

Ang kanyang sabi, “Pagkagagandang babae, pero hindi kagandahang example ang ipinakikita! Kailangan pa bang bumaba ang Diyos para magkasundu-sundo na sila?”

vuukle comment

PINAS HUNK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with