^

PSN Showbiz

Ogie, may collab sa Juans!

Pilipino Star Ngayon
Ogie, may collab sa Juans!

MANILA, Philippines — Maghahatid ng sunud-sunod na bigating musical performances sina OPM icons Regine Velasquez-Alcasid, Ogie Alcasid at Moira Dela Torre sa ASAP XP ngayong Linggo (Nobyembre 29).

Tutukan ang solo act ng nag-iisang Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.

Abangan ang collaboration ni Ogie Alcasid kasama ang The Juans.

Samantala, isang madamdaming number naman ang matutunghayan ng viewers mula kay Moira Dela Torre.

Mas pasisiyahin naman ni Bamboo ang manonood sa kanyang pagkanta ng hit song niya na Noypi.

Huwag ding palampasin ang espesyal na Champions Showdown na tampok ang mga awitin ng OPM legend at pride ng Isabela na si Freddie Aguilar. Makikiisa sa tribute sina Erik Santos, JM Dela Cerna, Marielle Montellano, Jed Madela, Khimo Gumatay, Katrina Velarde at Carmela Lorzano.

Magpapamalas naman ng husay sa pagsasayaw sina Inigo Pascual at Dylan Menor sa Pinoy Pride number, habang maghahandog sina Francine Diaz, Jane de Leon, Celyn David, Queenay Mercado, Bianca Lamberte, Frances Pinlac at AC Bonifacio ng isang masigla at masayang group performance.

MOIRA DELA TORRE

OGIE ALCASID

OPM

REGINE VELASQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with