^

PM Sports

Kahit kulang sa player Bali Pure nalo pa rin

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tinalo ng Bali Pure Water Defenders ang Iriga Lady Uragons sa iskor na 18-25, 25-18, 25-13, 25-21 sa Shakey’s V-League Open Conference kahapon sa FilOil Flying V Arena sa San Juan.

Hindi naging hadlang sa Water Defenders ang pagkawala ng lima nilang manlalaro dahil sa mga commitments ng mga ito bago pa sumali sa koponan.

Hindi nakapaglaro sina Ella De Jesus, Jem Ferrer, Bea Tan, Alyssa Valdez at playing coach Charo Soriano.

Nang itabla sa 1-1 ang laban ay hindi na pinakawalan pa ng Bali Pure ang laro sa pa-ngunguna nina Grethcel Soltones, Dzi Gervacio, at libero Denden Lazaro na kinailangang maglaro ng ibang posisyon dahil sa pagkawala ng ibang kakampi upang iangat sa 2-1 ang kartada ng Bali Pure.

Nakuha naman ng IEM Volley Masters (2-0) ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa Spikers Turf Open Conference nang talunin ang Sta. Elena Wrecking Balls (0-2) sa iskor na 18-25, 25-23, 25-17, 29-27.

Nagtala ng 19 na puntos si FEU Tamaraw Greg Dolor sa panalo ng Volley Masters.

Naging dikit ang laban ng magkabilang koponan mula noong 2nd set.

Napahaba pa ang 4th set kung saan tabla sa 27-all ang laro.

Isang combination play mula sa isang free ball mula sa Sta. Elena ang kinuha ng IEM upang i-set up si Edan Canlas para tapusin ang laro.

“Malakas yung Santa Elena. Sabi ko lang stick with the gameplan and huwag bibitaw,” Laniog said about the win. “Nung naubusan ako ng timeout sa fourth set, nasa gilid lang ako to give instructions and give morale boost,” pahayag ni IEM coach Arnold Laniog.

Habang sinusulat ang balitang ito ay naglalaban pa ang Baguio Team at  ang UP. FML

VICE MAYOR ABDUL WAHAB ALLAN SABAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with