^

True Confessions

Salome (66)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“HUWAG mo nga akong takutin, Rocco. Baka isum­bong kita kay Mam Pilar,” sabi ni Amy na pa­laban na.

“Alam kong ikaw ang dakilang tsupipay ni Mama rito pero huwag mo rin akong babanggain at delikado ka.’’

“Aba baka isumbong na kita! Pinagbabantaan mo na ako.’’

“Sige isumbong mo at magkakalabasan na tayo ng baho.’’

‘‘Sige, sige!’’

“Anong sige?’’

“Isusumbong kita na nagsa-shabu ka! Nakita ko ang pagsa-shabu mo sa halamanan. Kitang-kita ko ang paglanghap mo ng usok sa aluminum foil. Halos langhapin mo lahat ng usok. Kitang-kita ko ang sachet ng shabu na ginamit mo. Ano? Ano?’’

Napamulagat si Rocco sa narinig.

Pero hindi rin gaanong nasindak sa mga sinabi ni Amy. At nakangisi pa ng magsalita.

“Okey, okey. Nagsa-shabu nga ako. Addict naman talaga ako. Marami naman talagang addict ngayon. Sige isumbong mo ako kay Mama. Magpaka-tsupipay ka.’’

“Isusumbong talaga kita. Huling-huli kita!’’

“Okey, fine. Pero bago mo ako isumbong, may ipakikita muna ako sa iyo,’’ sabi ni Rocco at dinukot ang cell phone sa bulsa.

Nakatingin si Amy habang binubuksan ni Rocco ang cell phone.

“Eto, kilala mo ang hubad na ito?’’

Tiningnan ni Amy.

“Ako yan ah!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

MEDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with