^

PSN Opinyon

‘Pagdidisiplina sa media’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MAY hidwaan ang papasok na administrasyong Duterte­ at ang mga nasa industriya ng media. 

Nag-ugat sa presscon ni President-elect Rody Duterte noong Miyerkules ng nakaraang linggo sa Davao kung saan marami sa hanay ng media ang nasaktan sa kaniyang pagiging prangka. 

Ang nangyari, sa halip ang kanyang mga reporma ang maging laman ng balita, ang mga tagapagbalita tuloy ang naging istorya.

Maraming media ang pumalag. Humantong pa ito sa panawagang i-boycott ang pangulo. Pero sa halip na masindak, lalo pang bwinisit ni Duterte ang media. 

Ganti para sa marami ang pagdidisiplinang ito ng presidente. Wala na raw presscon. Lahat ng kanyang mga sasabihin idadaan sa  PTV4 o istasyon ng gob­yerno.

Nasundan pa ito noong Huwebes. Maraming media ang nainsulto sa tatlong klasipikasyon sa media ni President-elect.

Kung hindi raw crusader for truth, mga mouthpiece ng may mga vested interest o bayarang ‘PR’ na nambabalanse ng ilalabas na balita. Pangatlo, mga “lowlives” o hao shiao na ginagamit ang titulong ‘mamamaha­yag’ para sa impluwensya at para lang magkapera. 

Kaya sa halip na i-respeto, diretsahang tinawag ni Digong ang media na hipokrito lalo na ang mga malalaking TV networks at broadsheets na nagpa­gamit daw sa black propaganda laban sa kanya noong eleksyon.

Ang problema sa ibang mga kabaro ko sa propes­yon kong minamahal, maraming bastos, barubal, mas­yadong sensitibo, walang alam at walang respeto sa Journalism ethics. Nabababoy tuloy ang propesyon. 

Sa halip na ituon ang kanilang mga mata sa mga repormang gagawin ng pangulo, ang binabantayan, mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig saka ibabalita ng literal. Mali na nga ang interpretasyon, mali pa ang anggulo at treatment ng istorya.

Palibhasa myembro ng fourth estate pakiramdam ng marami makapangyarihan na sila. Sinarapan masyado. Ninanamnam ang titulong ‘media.’ Feeling entitled na may ‘say’ na sa gobyerno. 

Tama lang ang ginawang pandidisiplina ni President Duterte sa buong industriya para matuto, matauhan at mahiya ang mga kapalmuks na hindi alam ang tamang pamantayan sa pagbabalita. 

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas mag-subscribe sa BITAG official YouTube channel.

ALAN PETER CAYETANO

MIGUEL ZUBURI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with