^

Punto Mo

Carabao Man (17)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“PAKIRAMDAM ko magiging sikat kang artista, JP,” sabi ni Dang habang nakalingon kay Johnpaul. Si Tasya naman ay patuloy sa pagpapatakbo. Mabilis ang pagpapatakbo sapagkat kailangang makahabol sila sa last trip ng roro. Kapag hindi sila nakahabol, bukas na ng umaga ang biyahe nila.

“Hindi nga ako maru-nong umarte paano ako sisikat?”

“Marunong ka. Kaunting ensayo lang e tiyak na bibigay ka na.’’

“Pagsakay lang at pag-aalaga sa kalabaw ang alam ko, Dang.’’

“Akong bahala sa’yo. Bas­ta pagnakaharap mo na si Bossing e sigurado ako na mapapapayag ka niyang umarte.’’

Napahinga si JP. Hindi pa rin siya kumbinsido. Pero natatandaan niya, noong high school ay ilang beses din siyang naisama sa mga stage play na ginagawa ng kanilang klase. Ang role niya ay isang magsasaka palibhasa nga ay alam ng lahat na taga-bukid siya at marunong mag-alaga ng kalabaw. Madali lang ang pagganap niya at kaunti lang ang dialogue. Parang extra lang siya sa dula. Madalas na hubad baro siya at may dalang itak o kaya naman ay may pasan na araro na gawa sa styro. Tipikal na magsasaka siya.

“O ano JP at parang natameme ka.’’

“Ha a e wala Dang. Naisip ko lang sina Itay at Inay at kapatid kong babae. Biglaan kasi ang pagkakaluwas ko.’’

“Huwag kang mag-alala at kapag may pelikula ka na e mabibigyan mo na sila ng magandang buhay.’’

“Parang hindi ko yata kaya ang sinasabi mo.’’

“Kasi’y negatibo ang iniisip mo.’’

Napahinga uli si JP.

“Basta ako ang bahala sa’yo, JP. Huwag kang mag-worry.’’

Natahimik na si JP.

Hanggang sa makarating sila sa pier. Tamang-tama na paalis na ang roro.

 

KINABUKASAN, sa condo ni Dang, maagang naligo si JP. Sa araw na iyon siya haharap sa producer na ang tawag ay “Boss”.

Binigyan siya ng isusuot ni Dang.

“Kailangang maayos ang suot mo, JP.’’

Nagbihis si JP.

Guwapung-guwapo ito nang mabihisan.

(Itutuloy)

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with