Bisita itinuturing na regalo sa Georgia
Ang mga tao sa bansang Georgia ay parang mga Pinoy din na maasikaso sa mga bisita. Tulad ng mga Pinoy, ang mga Georgian ay kilala sa kanilang hospitality.
Gustung-gusto pa nga nila na nagkakaroon sila ng mga bisita dahil itinuturing nila ang mga ito na “regalo”. Kaya ang mga foreigner ay mga “regalo” sa kanilang bansa.
Kung ikaw ay may kaibigan sa Georgia, siguradong iimbitahan ka nito sa kanilang tahanan. Huwag tatanggi sa kanilang alok at paunlakan ang hiling na makapiling ka ng kanilang pamilya.
Tinatawag na supra ang isang malaking dinner party na may maraming “toast” o pagbubunyi gamit ang alak. Ang kadalasang itinu-toast ay wine, dahil ang beer ay ginagamit lamang para makipag-toast sa mga kaaway. Kaya ‘wag makikipag-toast kung umiinom ng beer.
Ang toastmaster naman o “tamada” ay namimili ng mga tao para sa isang mahabang toast session. Para naman sa special toast, gumagamit ng sungay at dito inilalagay ang alak na pagpapasahan sa lahat ng bisita na nasa mesa.
- Latest