‘Di puwedeng maghiwalay sina James at Love
INDEPENDENCE, Ohio – Nang manalo ang Ca-valiers sa Game 4 at winalis ang Atlanta Hawks ay niyakap nang mahigpit ni LeBron James si Kevin Love na tila takot mawalay ang kanyang kakampi at alam ni James na hindi niya kayang muling mawala si Love.
Isang taon matapos magkaroon si Love ng disloca-ted left shoulder sa kanyang unang playoff appearance na nagpalabo sa tsansa ng Cleveland para sa kanilang unang NBA title, nagbabalik ang versatile big man.
Siya ang malaking dahilan kung bakit may 8-0 record ang Cavs sa postseason.
Sa dalawang rounds ng playoffs ay nagtala si Love ng mga averages na 18.9 points at 12.5 rebounds at may 44 percent (28 of 63) sa 3-pointers.
“Kev is just being Kev,” sabi ni James kay Love. “He’s a workhorse, a guy who is giving us 19 and 12 in the postseason and has eight straight double-doubles. No, he’s not the Kev in Minnesota.”
Matapos ang anim na seasons sa Timberwolves ay nakapaglaro si Love sa playoffs sa unang pagkakataon noong nakaraang season.
Ngunit kaagad itong nagwakas nang hilahin ni Celtics forward Kelly Olynyk ang kanyang kaliwang balikat ni Love.
- Latest