Ligtas pa ba ang ating mga impormasyon sa COMELEC?
Walang kwenta ang seguridad ng gobyerno natin. Eh tingnan mo nga, 20-anyos lang ang nang-hack sa mga personal information ng mga botante sa website ng COMELEC! Nakakainit ng dugo. Bakit hindi nila masyadong pinangangalagaan ang seguridad ng mga botante? Wala nang pag-asa ang ‘Pinas! - Luis, Valenzuela
Siguro nalusutan lang talaga ang COMELEC ng hackers. Ngayon iniimbestigahan na ang kaso eh palagay ko safe na ulit ang ating mga mahahalagang impormasyon. Naniniwala pa rin naman ako sa kakayanan ng ating gobyerno. - Christian, Caloocan
Nakakatakot na tuloy mag-online sa mga website ng gobyerno kung ganyan pala kahina ang seguridad. Ano ‘to lokohan? Pababayaan lang ta-yong mga mamamayan na manakawan ng identity? Kung ako sa inyo hindi na ako magfi-fill up ng mga impormasyon sa online. - Cebu
Hindi naman siguro nagpabaya ang ating mga tagabantay ng website ng COMELEC. Siguro talagang magagaling na ang hackers ngayon. Tiwala ang gobyerno na maibabalik ang tamang seguridad sa kanilang mga website. - Lito, Zamboanga
Nakakahiya talaga ang pamahalaan natin. Wala ba silang sapat na IT staff at tauhan na may kakayahang protektahan ang mga ganu’ng bagay? Nakakairita sila dahil madali nang nakawan at gawan ng masama ngayon ang mga botante dahil sa nangyaring iskandalo. - Verniel, Baguio
- Latest