^

Metro

Kapakanan ng Manileño bigyang prayoridad - Rep. Asilo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naniniwala ang Liberal Party Vice Mayoralty bet ng Maynila na kailangang wakasan na ang paghihirap ng mamamayan ng lungsod para maibalik sa dating glor­ya nito at muling kilalanin sa buong bansa.

Una sa anim na programa ni Vice Mayoralty candidate at Rep. Benjamin “Atong” Asilo ang pagkalinga sa libu-libong senior citizen ng lungsod sa pamamagitan ng pagkakaloob ng P2,000 kada taon bilang panimula. Aniya, kukunin ang pondo ng programang ito na halagang P200 milyon sa lumubong pondo ng basura at ahensya na mamahala dito na nagkakahalaga ng P1.2 bilyon na aniya’y sobrang laki.

Kailangan aniyang kilalanin ang mahalagang papel ng mga senior citizen sa nation building lalo na’t karamihan sa kanila’y kulang sa pangtustos sa kanilang panga­ngailangang medikal. Ikalawa sa programa ni Asilo ay ang pagtatayo ng mga City Colleges sa bawa’t distrito ng lungsod para hindi na mamasahe ang mga mahihirap na mag-aaral sa Unibersidad de Manila sa Arroceros habang  ang  ikatlo ay ang pagtatayo ng  apat na medium rise public condominium na may limang palapag bawat isa na may  mga club house at swimming pool.

Hindi rin kalilimutan ni  Asilo sa kanyang ikaapat na plataporma ang paglalagay ng women’s office sa city hall para sa kalinga at mabigyan ng kaukulang alalay at proteksyon ang mga kababaihan ng lungsod habang nasa ikalima naman pagsusulong, pagsuporta at pagpapasigla ng mga kooperatiba sa lungsod samantalang ikaanim ang paglalagay ng tanggapan sa city hall na mangangalaga sa karapatan ng mga manggagawa sa lungsod.

Kailangan aniyang protektahan ang kanilang mga karapatan sa ilalim ng umiiral na batas.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with